Biyahe ng LRT 2 natigil dahil sa sirang signaling system

Pansamantalang natigil ang operasyon ng Light Rail Transit-Line 2 (LRT2) matapos masira ang signaling system.

Ayon sa LRTA, apektado ang biyaha mula Recto hanggang sa Antipolo stations at pabalik.

Ayon sa LRTA, inaayos na ang signaling system.

Agad na humingi ng pang-unawa ang LRTA sa abala.

Matatandaan na noong Nobyembre 3, pansamantalang natigil din ang operasyon ng LRT Line 2 dahil sa signaling system.

 

Read more...