DepEd, pinaiimbestigahan ang viral video ng isang guro na tila nagpapakita ng “potential child abuse”

Ipinag-utos ni Education Secretary Leonor Briones sa Regional Director ng DepEd Central Luzon ang Tiktok video ng isang guro.

Makikita sa viral video ang tila pagtutulak nito ng “potential child abuse” upang mapatawan sa mga karampatang parusa.

Bilang isang institusyon na pinagkatiwalaang protektahan ang karapatan ng bawat mag-aaral, iginiit ng DepEd na hindi nila kinukunsinte ang anumang uri ng pang-aabuso sa mga bata.

“We remind our teachers and non-teaching personnel to always subject our words and actions, including our social media activities, to the highest degree of ethical and professional standards,” saad ng kalihim.

Dagdag nito, dapat lagi aniyang itaguyod ang ligtas na kapaligiran sa pagkatuto para sa mga kabataan, kung saan ang pisikal, berbal, sekswal at iba pang anyo ng pang-aabuso at diskriminasyon ay hindi tinatanggap.

Sa pagdiriwang ng National Children’s Month, tiniyak ng DepEd na patuloy nilang papalakasin ang mga polisiya at aktibidad sa capacity-building sa pagsulong ng adbokasiya sa pagbibigay ng proteksyon sa mga mag-aaral laban sa pang-aabuso.

Read more...