Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (November 5), nasa 2,797,986 na ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 37,377 o 1.3 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,376 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
69.9 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 3.5 porsyento ang asymptomatic; 13.96 porsyento ang moderate; 8.2 porsyento ang severe habang 3.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 260 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 44,085 o 1.58 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 2,109 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,716,524 o 97.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.