Ito ang iginiit ni Sen. Christopher Go, ang vice presidential candidate naman ng ruling party.
”Sa ngayon po, siyempre may partido kami. Ang presidente ng aming partido na kandidato ay si Bato. So we have to follow the decision… sa aming partido na PDP-Laban,” ayon sa senador.
Aniya, mananatili ito hanggang walang mangyayaring pagbabago sa kanilang partido hanggang sa Nobyembre 15, ang huling araw kung kailan pinapayagan ng Commission on Elections (Comelec) ang substitution ng mga kandidato.
Paglilinaw lang din ni Go, magkaroon man ng pagbabago, mananatili siya ang kandidato sa pagka-pangalawang pangulo ng kanilang partido.
“Pero, ako naman bilang inyong kandidato pagka-bise presidente, 100% na po akong tatakbong vice president. Unang-una, kandidato na po ako nakapag-file na po ako ng October 2 at desisyon po ‘yan ng partido, desisyon rin po ‘yan ni Pangulong Duterte na dapat po mayroong kandidato din po from the two of us,” aniya.