Nangako ang Department of Science and Technology (DOST) na tutulong para mabawasan ang sobrang polusyon ng Manila Bay.
Ito ang sinabi ni Sec. Fortunato de la Peña matapos sabihin na masyado nang maraming isyu sa kondisyon ng Manila Bay.
Aniya, bukod sa maruming tubig, may coastal erosion and siltation, overexploitation, degradation of habitats at nawawala na rin ang biodiversity sa Manila Bay.
Sinabi pa nito na karamihan sa nagdudulot ng polusyon ay ang aktibidad ng mga tao, gaya na lamang ng pagtatapon ng halos lahat ng uri ng dumi sa Manila Bay.
Ayon pa kay de la Peña, hinihintay na lamang nila ang magiging resulta ng pag-aaral ng researchers ng UP – Diliman sa tunay na kondisyon ng Manila Bay para sa gagawin nilang rehabilitation and management.
“True to our mission to bring science closer to Filipinos, we will further strengthen our efforts to reduce environmental pollution and provide greater access to clean and safe water by generating environmentally sound game-changing technologies and policies,” sabi pa nito.