1,119,389 COVID jabs, naitala sa loob ng isang araw

Nakapagtala ng isang milyong COVID-19 jabs sa bansa sa loob ng isang araw.

Ayon sa Department of Health (DOH), umabot sa 1,119,389 ang bilang ng mga naiturok na bakuna noong Huwebes, November 4, 2021.

Ito ang bagong record high sa COVID-19 vaccination campaign ng gobyerno.

Patuloy na hinihikayat ng gobyerno ang publiko na magpaturok na ng bakuna para maging protektado laban sa nakahahawang sakit.

Read more...