Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 5.04 milyon na

AFP photo

Lagpas 5.04 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 5,045,062 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 772,315.

Sumunod na rito ang Brazil na may 608,715 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 459,875 naman ang death toll sa India habang 289,131 ang napaulat na nasawi sa Mexico.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 243,255
– Peru – 200,350
– Indonesia – 143,500
– United Kingdom – 141,395
– Italy – 132,283
– Colombia – 127,417
– Iran – 126,921
– France – 117,849
– Argentina – 116,055

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 249,342,303 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 225,844,512 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...