Suspek sa pagpatay kay Los Baños City Mayor Perez, nadakma sa Baguio City

Naaresto ng mga tauhan ng PNP – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Baguio City ang isang dating lokal na opisyal na iniuugnay sa pagpatay kay Los Baños City Mayor Caesar Perez noong nakaraang Disyembre.

Sinabi ni CIDG Dir. Albert Ferro na natunton nila si Norvin Tamisin sa Barangay Bakakeng at isinilbi sa kanya ang warrant of arrest na inisyu ng isang korte sa Laguna.

Magugunitang si Tamisin ang pangunahing suspek sa pagpatay kay Perez sa tapat ng munisipyo noong Disyembre ng nakaraang taon.

Bago maaresto si Tamisin ay isang linggo muna siyang sinubaybayan ng mga operatiba.

Dagdag pa ni Ferro, ang suspek ang pang-anim sa most wanted person list sa Calabarzon Region.

Nasa kustodiya na siya ng CIDG – Batangas Provincial Field Office.

Read more...