Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni PhilHealth Spokesman Rey Baleña na babayaran nila ang utang sa mga pribadong ospital.
Tinatayang nasa P20 bilyon na ang utang ng PhilHealth sa mga pribadong ospital.
Malaki at napaka-seryoso aniya ang magiging epekto sa bansa lalo na sa mga pasyenteng walang kakayanan na magbayad nang buo sa hospital bill kung puputulin na ng mga pribadong ospital ang ugnayan sa PhilHealth.
May sapat aniya na pondo ang PhilHealth para bayaran ang utang.
Kaya lang aniya naantala ang pagbabayad dahil sa pandemya sa COVID-19.
Umaasa si Baleña na magiging mabunga ang nakatakdang pag-uusap nina PhilHealth chief executive officer and president Dante Gierran at ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI).