Roque, iginiit na hindi siya gumastos ng P1-M para sa event sa Amerika

Photo grab from PCOO Facebook video

Mariing pinabulaanan ni Presidential Spokesman Harry Roque ang alegasyon na gumastos siya gn P1 milyon para sa cocktail party na dinaluhan sa New York para sa kanyang nominasyon sa International Law Commission.

Ayon kay Roque, walang katotohanan ang naturang ulat.

Sinabi pa ni Roque na hindi aabot sa P1 milyon ang kanyang binayaran.

Matatandaang nagsagawa ng kilos-protesta ang grupong Bayan USA sa Manhattan restaurant para tutulan ang nominasyon ni Roque.

Iginigiit ng grupo na magarbo ang cocktail party ni Roque at tinatayang nasa P1 milyon ang halaga nito.

Pagtitiyak ni Roque, una siyang magrereklamo kung totoong P1 milyong ang kanyang binayaran.

Katwiran pa ni Roque, ang cocktail party ay bahagi ng diplomatic initiatives dahil nominee siya ng Republika ng Pilipinas.

Read more...