Mga nagpoprotesta, nabigong guluhin ang event na dadaluhan ni Roque sa U.S.

PCOO photo

Bigo ang mga nagpoprotesta na guluhin ang isang event na dinaluhan ni Presidential Spokesman Harry Roque sa New York sa Amerika.

Nasa Amerika ngayon si Roque para dumalo sa United Nations International Law Week.

Ayon kay Roque, hindi nakapasok sa venue ang mga nagpoprotesta.

Tinututulan ng mga nagpo-protesta ang nominasyon ni Roque sa UN International Law Commission dahil sa naging partisipasyon nito sa madugong anti-drug war campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Roque, hindi man lang nakatuntong sa first floor ang mga nagpoprotesta at nasa third floor ng gusali ang cocktail.

Read more...