PNP Chief Eleazar, ipinag-utos sa NCR cops na makipag-ugnayan sa LGUs ukol sa curfew sa mga menor de edad

Photo credit: General Guillermo Eleazar/Facebook

Naglabas ng direktiba si Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Eleazar sa mga pulis sa Metro Manila na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan ukol sa ipinatutupad na curfew sa mga menor de edad.

Kasunod ito ng pag-aalis ng gobyerno ng curfew hours sa Metro Manila, ngunit ilang LGU ang nagpapatupad ng ordinansa patungkol sa curfew sa minors.

“There was previously uniformity on the curfew hours in Metro Manila from midnight to 4 AM for the general public but to my understanding, some of our LGUs have curfew ordinances for minors. So our local police units need to be clear on this with our LGUs,” pahayag nito.

Siniguro naman ng hepe ng pambansang pulisya na magpapatuloy ang kanilang pagpapatrolya, lalo na sa mga pampublikong lugar.

“We also have to make adjustments in our security preparations as malls in NCR would be open for longer hours to accommodate Christmas shoppers,” saad ni Eleazar.

Dagdag nito, “Bukod sa pagsawata sa mga aktibidad ng masasamang loob, kailangan rin ng ating kapulisan na tiyaking patuloy na nasusunod ng ating mga kababayan ang minimum public health standards.”

Nakiusap naman si Eleazar sa publiko na makipagtulungan sa pananatiling ligtas sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagsunod sa health protocols.

Read more...