Nagbigay ng tulong pinansiyal ang Quezon City government sa mga pamilyang nasunugan sa bahagi ng Barangay Sangandaan.
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte, kasama ang Social Services Development Department, ang pamamahagi ng ayuda sa pitong pamilya.
P5,000 ang natanggap na tulong ng mga ‘renter’ at ‘sharer’ habang P10,000 naman sa mga may-ari.
Pinaalalahanan din ang mga residente na maging maingat sa mga kagamitan na maaaring magdulot ng sunog.
MOST READ
LATEST STORIES