Pumalo na sa 248.79 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 248,795,695 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 47,105,468 cases.
Sumunod na rito ang India na may 34,320,142 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 21,835,785 naman ang kaso sa Brazil habang 9,171,660 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 8,633,643
– Turkey – 8,121,226
– France – 7,180,832
– Iran – 5,954,962
– Argentina – 5,292,549
– Spain – 5,019,255
– Colombia – 5,007,099
– Italy – 4,782,802
– Germany – 4,662,011
– Indonesia – 4,246,174
– Mexico – 3,811,793
– Poland – 3,045,102
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,036,618 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 225,420,705 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.