‘Senate run’ ikinukunsidera ni Pangulong Duterte, ayon kay Sen. Bong Go

Ibinahagi ni Senator Christopher Go na ikinukunsidera ni Pangulong Duterte na sumabak sa ‘senatorial race’ sa 2022 elections.

 

“He is considering, pinag-aaralan niyang mabuti. Kung makakatulong bas a bayan, he might. Kino-consider niya po yung pagtakbo,” sabi ng senador, na kilalang malapit sa Punong Ehekutibo.

 

Dagdag pa ni Go, pinag-aaralan ni Pangulong Duterte ang ilang bagay para sa pagtakbo sa pagka-senador sa ilalim ng PDP – Laban, kung saan siya nagsisilbing chairman.

 

Kabilang na aniya dito ay kung makakatulong ang pagtakbo ng Punong Ehekutibo sa mga kandidato ng ruling party.

 

Kuwalipikado din, ayon kay Go, si Pangulong Duterte na maging Senate president ngunit diin nito, sobrang maaga pa para pag-usapan ito at ang namimili ng mamumuno sa Senado ay ang mayorya ng mga senador.

 

“Siguro masasabi naman ni Pangulo na nabanggit niya kung ano yung mga program na makakatulong pa siya, na maipagpapatuloy yung mga programa na magaganda na nakakabenepisyo naman ating mga mamamayan,” ayon pa sa senador, ukol sa maaring pagkandidato pa ni Pangulong Duterte sa eleksyon sa susunod na taon.

Read more...