Moreno sa pag-aaral ng gobyerno na alisin ang face shield: “Hallelujah!”

AFP photo

Hallelujah!

Pahayag ito ni presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno sa pahayag ng Palasyo ng Malakanyang na pinag-aaralan na ng Inter-Agency Task Force na ipatigil na ang paggamit ng face shield.

Ayon kay Mayor Isko, walang siyentipikong pag-aaral ang mga eksperto na nakatutulong ang face shield para makaiwas sa COVID-19.

Sinabi pa ni Mayor Isko na ang face mask at bakuna ang pinakamabisang panangga kontra COVID-19.

Ginagamit lang aniya ang face shield kapag nasa loob ng ospital at hindi sa loob ng bahay, restaurant o iba pang pampublikong lugar.

Ilang matanda na kasi aniya ang nadapa dahil sa face shield.

Ilang may asthma na rin aniya ang sinumpong dahil hirap makahinga bunsod ng face shield.

Sinabi pa ni Mayor Isko na dagdag gastos at basura lang naman ang mga face shield.

Matatandaang noon pa man, tutol na si Mayor Isko sa paggamit ng face shield.

Read more...