Duterte, dumipensa sa limang araw na pagsasara ng mga sementeryo

Manila PIO photo

Dumipensa si Pangulong Rodrigo Duterte sa limang araw na pagpapasara sa mga sementeryo, memorial park at columbaria sa buong bansa sa paggunita sa Undas.

Ayon sa Pangulo, ang Inter-Agency task Force ang nagpapasya kung ano ang makabubuti para makaiwas sa COVID-19.

“I also would like to touch on the celebration of the All Saints’ Day sa November 1 pati 2 eh ito ho ay talagang utos, mandatos ng IATF at wala po tayong magawa at sumunod kasi eh sila ‘yung may authority na magsabi “ito sunod tayo, dito tayo” insofar as the fight against COVID. And if they think that it is really not good for the health of the people to be crowding in cemeteries in great numbers those were the problems that they expected and tried to avoid,” pahayag ng Pangulo.

Matatandaang ipinasara ang mga sementeryo simula noong October 29 hanggang November 2.

Ito na ang ikalawang taon na ipinasara ang mga sementeryo sa Undas dahil sa posibilidad na maging ‘super spreader’ sa COVID-19.

Read more...