DepEd, ‘all set’ na para sa pilot implementation ng limited face-to-face classes sa Nov. 15

Manila PIO photo

‘All set’ na ang Department of Education (DepEd) para sa pilot implementation ng limited face-to-face classes sa November 15, 2021.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, nakakuha na ang kagawaran ng consent mula sa mga local government unit (LGU).

Sisimulan ang pilot face-to-face classes sa 100 pampublikong paaralan, 20 pribado at ilang international schools na may sariling panuntunan.

Patuloy pa ang pamimili sa 20 pribadong paaralan habang natukoy na ang 100 pampublikong paaralan mapapabilang dito:



Sinabi ng kalihim na maaring palawigin at dagdagan ang mga eskwelahang magkaroon ng face-to-face classes depende sa magiging resulta ng pilot study.

Ani Briones, ni-require ang mga magulang na dapat silang magbigay ng written consent na nagpapahayag ng pagpayag na mapasama ang kanilang anak sa face-to-face classes.

Bilang parte naman ng DepEd, nag-inspeksyon sila sa mga eskwelahan para matiyak ang kahandaan ng mga pasilidad, may tubig at gamot, masusunod ang social distancing, at malapit sa health stations.

May risk assessment din aniya na galing sa Department of Health (DOH).

Siniguro ni Briones na ginawa ng DepEd ang lahat ng paraan upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante.

Read more...