Ito ang naging sagot ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa patutsada ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa kaniya.
Sa Talk to the People kasi ng Pangulo, sinabi nito kina Drilon at Senador Richard Gordon na hindi siya aabot sa presidency kung corrupt umano kagaya nila.
Ayon kay Drilon, simula nang sumama siya sa serbisyo publiko noong 1986, tapat siyang sumunod sa ‘highest moral standards’.
“I have strictly conducted myself within the standards embodied in the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees and our anti-graft laws,” saad ng senador.
Iginiit din nito na malinis ang kaniyang record at konsensiya.
Sa kaniyang 32 taong serbisyo sa publiko, hindi aniya niya sinubukang mangurakot sa Ombudsman o Sandiganbayan.
“I have always endevoured to protect my family name,” ani Drilon.
Dagdag nito, “Aside from the laws that I have authored in my 23 years as senator, all I want to leave as legacy when I retire from politics next year is my good name.”