Panayagan ni Moreno sa PhilHealth, bayaran ang utang sa mga pribadong ospital

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Nanawagan si Manila Mayor Isko Moreno sa pamunuan ng PhilHealth na bayaran ang utang sa mga pribadong ospital.

Pahayag ito ni Mayor Isko sa banta ng pribadong ospital na kumalas na dahil umabot na sa P20 bilyon ang utang ng PhilHealth.

Ayon kay Mayor Isko, dapat na ayusin ng PhilHealth ang naturang gusot dahil buhay ang nakasalalay.

Nakatutuwa aniya na sa Maynila, wala namang pribadong ospital ang nagpahayag na kakalas na sa PhilHealth.

Sinabi pa ni Mayor Isko na pinagtutuunam ng pamahalaang lungsod ang pondo sa anim na public hospital sa Maynila para masiguro na tuloy-tuloy ang serbisyo sa publiko.

Read more...