Operasyon ng DFA Consular Office sa Ali Mall sa QC, suspendido

Photo credit: DFA/Facebook

Pansamantalang isususpinde ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Consular Office (CO) NCR-Northeast sa Ali Mall sa Quezon City simula sa November 3 hanggang 5, 2021.

Paliwanag ng kagawaran, ilang tauhan ng CO NCR-Northeast ang tinamaan ng COVID-19 habang ang iba ay tinukoy bilang close contacts.

Magsasagawa ng masusing disinfection sa lugar at susunod sa isolation at quarantine guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) for Emerging Infectious Diseases.

Ayon sa kagawaran, makatatanggap ang mga apektadong aplikante ng email para sa rescheduled appointments sa pamamagitan ng email address ng CO: ncr-northeast@oca.dfa.gov.ph.

Humingi naman ng pang-unawa ang DFA sa publiko.

Read more...