Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang November 2, nasa 23,817 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 103 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 8,264 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
296 naman ang bagong gumaling kung kaya 14,129 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
74 naman ang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 1,424 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 13,129 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 3,651 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 1,041 naman ang kaso sa Americas at 5,996 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.