Iraq, ibinaba ng DFA sa Alert Level 3

Mula sa Alert Level 4 (Mandatory Repatriation), ibinaba na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Alert Level 3 (Voluntary Repatriation) ang Iraq.

Paliwanag ng kagarawan, nakakita ng pagbabago sa lagay ng seguridad at kahilingan ng overseas Filipino workers (OFWs) sa naturang bansa.

Kasunod nito at sa rekomendasyon ng DFA, naglabas ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Governing Board ng Governing Board Resolution (GBR) No. 9 series of 2021, kung saan hindi pinapasama ang returning OFWs sa Iraq mula sa deployment ban, depende sa ilang kondisyon na nabanggit sa nasabing resolusyon.

Ipinag-utos pa rin sa mga Filipino sa Iraq ang pag-iingat, limitahan ang galaw sa mga kinakailangan lamang, at patuloy na buksan ang komunikasyon sa Philippine Embassy sa Baghdad, sa pamamagitan ng mga numerong +9647506561740, +9647516167838, at +9647508105240, o baghdad.pe@dfa.gov.ph.

Read more...