Burgos, Surigao Del Norte niyanig ng lindol

Tumama ang magnitude 3.9 na lindol sa Surigao del Norte.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 16 kilometers Northeast ng bayan ng Burgos.

Bandang 1:24 ng hapon naramdaman ang pagyanig.

May lalim na 9 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa naturang lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks sa mga karatig-bayan.

Read more...