Sinabi ni Senator Imee Marcos na mawawalan ng saysay ang Universal Health Care Law, kapag itinuloy ng mga pribadong ospital ang banta na hindi na magpa-accredit sa mga Philhealth sa susunod na taon.
Aniya paano na lamang ang panggastos ng mamamayan para sa kanilang kalusugan kung hindi na kikilalanin ng mga pribadong ospital ang kanilang Philhealth insurance.
“May 95 million direct and indirect contributors ng Philhealth na nababahalang mawalan ng benepisyo,” sabi pa ni Marcos.
Suhestiyon ng senadora bayaran na ng Philhealth ang bilyong-bilyong pisong utang sa mga private hospitals.
Kasabay nito, kasuhan na ang mga nagsasagawa ng ‘upcasing’ kapag may matibay na ebidensiya at maibalik ang perang ibinayad kapag napatunayan ang anomalya sa mga ospital sa paniningil sa Philhealth.