Nakatago ang shipment, na nagmula sa Netherlands, sa isang “Angeli Khang” sa Tondo, Manila.
Sa ikalawang shipment na galing Germany, isinilid ang mga ilegal na droga sa turn table na naka-consign sa isang “Patricia Reyes”.
Unang idineklara na naglalaman ito ng “Children’s Toys, Children’s School Bag, Hot Water Bottle, Children’s Shoes, Children’s Hat, Children’s Color, Pencils”.
Mula naman sa Malaysia ang ikatlong shipment na naka-consign sa isang “Ferdie Santos” at itinago ang droga sa water filter.
Umabot sa 4,547 piraso ng Ecstasy ang nadiskubre, 100 rito ay mula sa unang shipment na nagkakahalaga ng P170,000 habang P7,559,900 naman ang estimated value ng 4,447 piraso sa ikalawang shipment.
Ayon sa BOC, 178.5 gramo ng Ketamine ang nakuha sa ikatlong shipment na tinatayang nagkakahalaga ng P892,500.
Dinala ng BOC-NAIA ang mga ilegal na droga sa PDEA para sa profiling at case build-up laban sa consignee at iba pang indibiduwal na sangkot sa posibleng paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 na may kinalaman sa Section 1401 ng Customs Modernization and Tariff Act of 2016.