Pangulong Duterte, idineklara na ang holidays sa 2022

Idineklara na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga holiday para sa taong 2022.

Base sa Proclamation No. 1236, 10 araw ang regular holiday, kung saan lima ang natapat sa weekend.

Sa ikalawang sunod na taon, hindi magiging holiday ang November 2 (All Soul’s Day), December 24 (Bisperas ng Pasko) at December 31 (Bisperas ng Bagong Taon) dahil idineklara ito ng pangulo bilang special working days.

Anim na petsa naman ang special non-working holiday at dalawa rito ang natapat sa weekend.

Read more...