Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sisimulan ang aktibidad bandang 11:00, Biyernes ng gabi (October 29).
Apektado ng aktibidad ang mga sumusunod na kalsada:
1. España Boulevard (Asphalting activities)
2. C.P Garcia Francisco St. hanggang Aguinaldo St. (2nd lane mula sa sidewalk)
3. EDSA Quezon City pagkatapos ng Anapolis St. hanggang bago ang Boni Serrano flyover Northbound (3rd lane mula sa sidewalk)
4. EDSA Tramo Flyover Pasay City
Maari namang daanan muli ng mga motorista ang nasabing kalsada dakong 5:00, Martes ng madaling-araw (November 2).
Kaya payo ng MMDA sa mga motorista, dumaan muna sa mga alternatibong ruta.