Pondo para sa allowance ng ilang senior citizens sa Maynila, pirmado na

Pirmado na ni Manila Mayor Isko Moreno ang pag-release ng pondo para sa allowance ng senior citizens sa Lungsod ng Maynila.

Ayon sa Manila Public Information Office, 30,096 senior citizens mula sa District 4 ang makakatanggap ng allowance.

Bawat senior citizen ay tatanggap ng P1,500 para sa buwan ng Hulyo, Agosto at Setyembre 2021.

Aabot sa P68,378,000 ang kabuuang halaga ng inilaang pondo para sa allowance ng senior citizens.

Read more...