Sinabi ng PAGASA na maaring dalawang hanggang tatlong bagyo ang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na buwan.
Ang mga bagyo ay tatawagin, ‘Odette,’ ‘Paolo,’ at ‘Quedan’ kapag nakapasok na ng PAR.
Sinabi ni weather specialist Ariel Rojas na kadalasan ang mga bagyo tuwing Nobyembre ay tumatama sa gitnang bahagi ng bansa, sa Southern Luzon, Visayas at Northern Mindanao.
Binanggit din niya na may mga bagyo din na nagre-‘recurve’ o hindi tumatama sa kalupaan at bumabalik sa direksyon ng hilagang bahagi ng Western North Pacific.
Makakabuti aniyang maghanda na ang mga nasa nabanggit na bahagi ng bansa.
Samantala, patuloy naman na mamamayani ang Amihan sa Luzon.
MOST READ
LATEST STORIES