Mga korte sa bansa, half-day lang sa Oct. 29

Inanunsiyo ng Supreme Court na half-day ang schedule ng lahat ng korte sa buong bansa.

Ayon sa SC Public Information office, kumpirma ni Acting Chief Justice Estela Perlas-Bernabe na hanggang 12:00 ng tanghali lamang ang trabaho sa mga korte sa araw ng Biyernes, October 29.

Layon nitong bigyan ng panahon ang mga empleyado ng korte na makapaghanda para sa All Saints’ Day break.

Inaasahang mag-uuwian ang ilan sa mga probinsya para sa Undas 2021.

Read more...