Naitalang COVID-19 recoveries sa hanay ng PNP, lagpas 41,000 na

Nasa 32 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Huwebes (October 28), 41,727 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Kapansin-pansin ang pagbaba ng naitatalang kaso dahil sa nasabing bilang, 557 ang aktibo pang kaso.

130 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 41,047 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 123 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...