Lagpas 4.98 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 4,987,910 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 761,856.
Sumunod na rito ang Brazil na may 606,726 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 456,418 naman ang death toll sa India habang 287,274 ang napaulat na nasawi sa Mexico.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 233,898
– Peru – 200,149
– Indonesia – 143,299
– United Kingdom – 140,041
– Italy – 131,954
– Colombia – 127,159
– Iran – 125,716
– France – 117,589
– Argentina – 115,889
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 245,793,895 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 222,795,567 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.