Pagpapakita ng pagkadesperado, ayon kay Senator Aquilino ‘Koko’ Pimentel III, ang pangungumbinsi kay Pangulong Duterte na kahit sa ‘senatorial race’ ay sumabak ito.
“Shows desperation on the part of Cusi and his group,” sabi ni Pimentel patukoy kay Energy Sec. Alfonso Cusi, ang kinikilalang pangulo ng PDP-Laban.
Dagdag pa ng senador, ipinapakita lang ng grupo ni Cusi na wala silang malakas na mga kandidato at sumasakay lamang sila sa popularidad ni Pangulong Duterte.
“That for us is ‘personality politics’ which we want to see ended here in the Philippines as soon as possible. We should all aspire for issues-based politics,” dagdag pa ni Pimentel.
Bago ito, inamin ni Cusi na kinukumbinsi nila si Pangulong Duterte na sumali sa ‘senatorial race’ sa papalapit na eleksyon.
Pagtitiyak pa nito na may mga kandidato sila na handang bumitaw at palitan ni Pangulong Duterte.
Hindi pa rin nareresolba ng Comelec kung sino ang kikilalanin na tunay na PDP – Laban sa grupo nina Cusi at Pimentel.