“This is a step in the right direction in helping the transport sector cope with the rising fuel prices, which is happening while it is still reeling from the devastating impact of the pandemic,” sabi ni lawyer Homer Alinsug, ang tagapagsalita ng PASAHERO o Passengers and Riders Organization Inc.
Dagdag pa niya, dahil sa ibibigay na subsidiya maaring hindi na humirit pa ng dagdag-pasahe ang mga operators at drivers at bunga nito makakahinga naman ng maluwag ang mga mananakay.
Kayat pinasalamatan ng grupo ang economic team ng gobyerno sa paglalaan ng P1 bilyon para sa ayuda sa may tinatayang 178,000 PUV drivers.
“Napakalaking tulong nito sa transport sector at maging ang mga commuter ay makakahinga ng maluwag mula sa pangambang magtataas na naman ng pasahe dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo,” dagdag pa ni Alinsug.
Panawagan lang nito sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na madaliin ang pamamahagi ng cash aid sa mga benipesaryo.
Kabilang ang PASAHERO, na kumakatawan sa mga Filipino commuters, sa mga idineklara ng Commission on Elections (COMELEC) na maaring iboto sa papalapit na 2022 elections.