Ayon kay Transportation Art Tugade, naayos na ang hugos ng unang pile cap ng proyekto sa bahagi ng Pier 302 sa Apalit Station sa Apalit, Pampanga.
Sinabi ng kalihim na nasa 32.58 porsyento na ang overall completion ng naturang proyekto hanggang September 2021.
Bahagi ng 147-kilometer North-South Commuter Railway (NSCR) line ang PNR Clark 2.
Magkakaroon ang PNR Clark 2 ng 35 istasyon kung saan mag-ooperate ang 464 train cars na may 58 8-car train sets configuration.
Oras na makumpleto, mula sa isang oras at kalahating biyahe, magiging 30 hanggang 35 minuto na lang ang travel time sa pagitan ng Bulacan at Pampanga.
MOST READ
LATEST STORIES