Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (October 27), nasa 2,768,849 na ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 50,152 o 1.8 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 3,218 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
73.4 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.8 porsyento ang asymptomatic; 11.02 porsyento ang moderate; 6.2 porsyento ang severe habang 2.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 271 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 42,348 o 1.53 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 6,660 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,676,349 o 96.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.