Halos 100 pulis, gumaling sa COVID-19

Nasa 34 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Lunes (October 27), 41,701 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 655 ang aktibo pang kaso.

93 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 40,923 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 123 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...