Ed Sheeran positibo sa COVID-19

Nag-positibo sa COVID-19 ang sikat na British musician na si Ed Sheeran.

Base sa Instagram post, sinabi ng singer na kahit nag-positibo sa COVID-19, tuloy pa rin ang kanyang pag-perform.

Sa ngayon, sinabi ni Sheeran nan aka-self isolate na siya alinsunod na rin sa itinakdang guidelines ng pamahalaan.

Sa Nobyembre 6, nakatakda sanang lumabas si Sheeran sa “Saturday Night Live.”

 

Read more...