Sens. Tito Sotto, Ping Lacson sinabing konsultahin ang mga tunay na health experts sa COVID 19 response

Ibinahagi ni Senator Panfilo Lacson na sinimulan na nila ni Senate President Vicente Sotto III ang pagkonsulta sa mga health experts para makahanap ng mga alternatibo sa pagkasa ng lockdowns.

Ayon kay Lacson, dahil sa lockdowns, lubha din apektado ang ekonomiya ng lugar bukod ang araw-araw na buhay ng mamamayan.

Katuwiran ng senador, sa Pilipinas na may pinakamahabang lockdown ngunit hindi pa rin ganap na nababawasan ang COVID 19 cases.

“Dalawa ang napakalaking problema sa pandemic: Health at economy. Vaccination ang Number 1 solution dahil nakita natin sa ibang bansa pag mataas ang vaccination rate nakapagbukas sila ng ekonomiya. Yan dapat pag-ukulan natin ng pansin. Maraming pagkakamali sa simula, pero pwede pang i-correct yan,” giit nito.

Nabanggit din ng senador na pinag-aaralan na rin nila ni Sotto ang mga hakbang na maaring gawin para pasiglahin muli ang ekonomiya ng bansa, kasama na dito ang panghihikayat sa mga dayuhang mamumuhunan.

Read more...