Inihirit ng Department of Transportation (DOTr) sa Inter-Agency Task Force (IATF) na dagdagan na ang kapasidad ng mga public utility vehicles (PUVs).
Ibinahagi ni Assistant Secretary Mark Pastor sa pagdinig ng Senado sa 2022 budget ng DOTr, sumulat na sila sa IATF para ipaalam ang kanilang rekomendasyon na dagdagan ang mga maaring sumakay na pasahero sa mga pampublikong sasakyan.
Nais ng DOTr dimauno na ibalik na sa punuang kapasidad ang mga PUVs.
Ngunit kapwa sinabi naman nina Senators Nancy Binay at Imee Marcos na base sa kanilang obserbasyon hindi na nasusunod ang limitasyon sa seating capacity sa mga bus at jeep dahil puno na ng mga pasahero ang mga ito.
Diumano, ang pagdaragdag ng kapasidad sa mga pampublikong sasakyan ay isang paraan para maibsan ang epekto ng mataas na halaga ng mga produktong-petrolyo bukod sa taas-pasahe.