Baguio City bukas na sa mga fully vaccinated individuals

Bukas na ang turismo sa Baguio City para sa mga biyaherong fully vaccinated.

Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, kinakailangan na makakuha muna ng approved registration sa pamamagitan ng  visita.baguio.gov.ph.

Ayon kay Magalong, para sa mga bata na nag-eedad 12 hanggang 17 anyos, kinakailangan na mayroong negative antigen o RT-PCR test results.

Para sa mga bat ana 11 anyos pababa, kailangan din ng negative antigen o RT-PCR test results na may parent’s consent.

Ayon kay Magalong, bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa Baguio City kung kaya binuksan na ang turismo para mapalakas naman ang ekonomiya.

Read more...