17-anyos na may asthma, unang nabakunahan sa ‘pediatric A3 vaccination’ ng Muntinlupa LGU

MUNTINLUPA CITY PIO PHOTO

Si Natalia Danielle Antonino, 17-anyos, ay may allergic rhinitis at asthma at siya ang unang menor de edad na naturukan ng COVID 19 vaccine sa pagsimula ng pamahalaang-lungsod ng Muntinlupa ng kanilang ‘pediatric vaccination.’

 

Nasaksihan pa ni Mayor Jaime Fresnedi ang simula ng bakunahan sa mga menor de edad sa Ospital ng Muntinlupa.

 

Hinimok ni Fresnedi ang mga magulang na iparehistro ang kanilang mga anak sa Muntinlupa City COVID 19 Vaccination Program (MunCoVac) para mabigyan ng proteksyon laban sa nakakamatay na sakit.

 

Hanggang noong araw ng Linggo, 14,896 kabataan na ang nagparehistro sa Muncovac, kasama ang 555 na may comorbidities.

 

Sa ngayon tanging Pfizer at Moderna vaccines lamang ang may emergency use authorization (EUA) para maiturok sa mga nasa edad 12 hanggang 17 na nasa tinatawag na Pediatric A3 population.

 

Read more...