Sen. Lacson: Pambansang pondo dapat magbigay ng pantay na oportunidad sa lahat

Sinabi ni Senator Panfilo Lacson na kinakailangan na magsilbing daan para sa pagkakaroon ng pantay-pantay na oportunidad at para sa mga pangangailan ng mamamayan ang pambansang pondo.

 

“The national budget is the government’s most important tool in achieving its goals, especially in the midst of an unprecedented health crisis when all our social, economic and political problems have magnified into massive scale,” sabi ni Lacson sa ‘Budget Serye 2021’ ng Social Watch Philippines.

 

Sinabi pa nito na dapat ay may boses ang mamamayan sa pagbalangkas ng pambansang pondo.

 

Nakilala ang senador sa kanyang pagbusisi ng husto sa mga pinaglalaanan ng national budget at sa pagsulong ng pag-alis ng ‘pork barrel’ sa taunang General Appropriations Act.

 

Nagbitiw siya noong Agosto bilang vice chairman ng Senate Committee on Finance para makapag-focus sa pagbusisi sa P5.024 trillion 2022 national budget para matugunan ang mga obserbasyon ng Commission on Audit sa paggamit ng ilang ahensiya ng kanilang pondo.

 

Kasabay nito ang pagsusulong niya ng Budget Reform Advocacy for Village Empowerment (BRAVE), na layong matiyak na mapopondohan ang development projects ng mga lokal na pamahalaan.

 

Read more...