Pag-iral ng Amihan, nagsimula na

DOST PAGASA Facebook photo

Opisyal nang nagsimula ang pag-iral ng Northeast Monsoon o Hanging Amihan sa bansa.

Ayon sa PAGASA, nararanasan na ang malamig na panahon sa Northern Luzon.

Sa mga susunod na linggo, asahan aniyang unti-unti itong bababa at posibleng maranasan sa bahagi ng Southern Luzon o Metro Manila.

“With the on-going La Niña, Northeast Monsoon rainfall may be enhanced that could trigger floods, flash floods, and rain-induced landslides over susceptible areas,” saad ng weather bureau.

Bunsod nito, inabisuhan ang lahat ng ahensya ng gobyerno at ang publiko na maging maingat at handa sa posibleng maranasang insidente dulot nito.

Read more...