Nais ni Roxas na magka-usap sila ng senadora at magkaisa laban sa aniya ay napipintong diktaturya.
Sinabi pa ni Roxas na handa siyang iadjust ang kaniyang oras at schedule basta pumayag lamang si Poe na makipag-usap sa kaniya.
“Uncertainty and a specter of dictatorship are looming over our country once again. I call for unity. I call for decency. I call for democracy. I call for the rule of law. I call on Senator Grace Poe, Grace, mag-usap tayo. I will adjust schedules to your convenience. Sabihin mo lang kung saan at kailan at darating ako,” ani Roxas.
Dahil sa nasabing panawagan ni Roxas, maraming netizens ang nagsabing posibleng isa kina Roxas o Poe ang magparaya para matiyak ang pagkatalo ni Duterte sa eleksyon.
Matapos ang pahayag ay hindi na tumanggap ng tanong sa media si Roxas.