Si VP Binay ang inindorso ng El Shaddai

Kuha ni Rose Cabrales
Kuha ni Rose Cabrales

Inindorso ng Catholic Religious Group na El Shaddai ang presidential candidacy ni Vice President Jejomar Binay.

Ito ay matapos lumabas ang balitang hahayaan ng El Shaddai ang kanilang mga miyembro na mamili ng kandidato sa pgkapangulo .

Ayon sa Information Officer ni Binay na si Joey Salgado, inanunsyo ang endorsement sa AM radio station ng El Shaddai.

Inanunsyo anya ng El Shaddai DWXI 1413 ang pag-endorso kay Binay bilang kandidato ng grupo sa pagka-pangulo

Ayon pa sa announcement, unanimous ang pagpili kay Binay ng mga miyembro ng ministry na binigyan ng survey ballots.

Sinabi pa ng host ng isang programa sa naturang istasyon na iginalang ni Bro. Mike Velarde ang desisyon ng mayorya ng kanilang mga miyembro.

Unang napabalita na walang inindorsong Pangulo ang El Shaddai pero may mga nakapuna na malaki ang letra ng pangalan ni Binay sa survey ballots, bagay na ayon sa pamunuan ng El Shaddai ay problema lang sa pag-imprenta.

Nagpasalamat naman si Binay sa El Shaddai sa pag-endorso sa kanyang kandidatura bilang Pangulo.

Mapagkumbabang nagpasalamat si Binay sa endorsement ng El Shaddai members at kay Bro. Mike Velarde sa oportunidad na nakapagsalita siya sa kongregasyon.

Nangako si Binay na siya ay magiging Presidente na kikilala, gagalang at susunod sa salita ng Diyos.

Ang Binay presidency anya ay rerespeto sa dignidad ng mga babae, magiging magandang ehemplo sa mga bata at magbibigay ng dignidad sa mga mahihirap.

Dasal ni Binay na muling igiya ng holy spirit ang mga tao sa daan ng katapatan at kabutihan.

Read more...