ELECTION 2022 SERIES: ‘Hanggang face mask at alcohol ang kayang ipamigay’ sa OFF CAM ni Arlyn Dela Cruz-Bernal

Kung ang ibang kandidato, lokal man o nasyunal, ay walang patumanggang mamudmod ng salapi, ang ibang kandidato, hanggang face mask at alcohol na personal na gamit lang ang kayang ipamigay.

There is nothing to be shy about that. It’s totally practical and adheres to the basic needs of the new normal brought about by the COVID-19 global pandemic.

My good friend actor Dennis Padilla who is running for councilor in Caloocan City is giving away face masks and alcohol in a small container for personal use. Walang malaking budget sa eleksiyon and OK lang yun!

Bale comeback attempt ito ni Dennis. Dati na siyang konsehal sa Caloocan years ago. Kung mahalal man siya muli, ito ay hindi lang dahil sa popularidad niya bilang artista. Ito ay dahil sa puhunan na siya noon pa kung paano siya naglingkod bilang konsehal noon.

Tinanong ko si Dennis, ano pa ba ang gusto niyang gawin at nais niyang magbalik bilang konsehal ng Caloocan?

Una, ordinansa para sa Academic Bonus para sa valedictorian at salutatorian ng public schools sa Caloocan. Dati na niya itong panukala noon. Hindi naipasa. Ano yung acadenic bonus? 50k for valedictorians and 30k for salutatorians.

Ikalawa, additional budget sa barangay health centers lalo na sa panahon ng pandemya.

Ikatlo, mga palikuran sa depressed areas sa Caloocan.

Hmm, nothing fancy, mga praktikal at doable na panukala.

Hindi aniya nakaranas si Dennis na masabihan na walang gagawin at artista lang. Hindi naman talaga dapat i-generalize sa kahit aling sektor.

Back sa pamumodmod ng pera, hindi naman talaga kailangang mamili ng boto. Hindi ‘yan garantiya ng aktuwal na boto para sa namimigay ng datung.

Yung 1K na masquerading as ayuda, siyempre tatanggapin ‘yan. Pero matagal nang mas malaki ang ipinamimigay ng ibang pulitiko lalo na sa local na lebel.

Kung makatanggap ka ng face mask at alcohol, hindi mo iisipin na binibili ang boto mo. Iispin mo na walang budget ang kandidato!

The sad reality sa mga namimigay ng pera sa early stage, seven months before the actual elections, ay wala itong nalalabag na election law dahil hindi pa official campaign period.

Hanggang dito na muna muli.

Read more...