32 pang pulis, nagpositibo sa COVID-19

Nasa 32 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Lunes (October 25), 41,646 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 777 ang aktibo pang kaso.

47 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 40,746 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 123 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...