Ang panukala ni Gatchalian ay suportado nina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Sens. Nancy Binay, Grace Poe at Joel Villanueva.
Sa hiling ng senador na maamyendahan ang Omnibus Election Code ang pagpapalit sa kandidato ay maaring gawin kapag ang naghain ng kandidatura ay naging ‘incapacitated.’
“Sagrado ang balota. Kaya dapat lamang na pahalagahan natin ang paghahain ng kandidatura tuwing eleksyon. Isang pribilehiyo ang makapagsilbi sa bayan kaya dapat lamang na ang personalidad na unang napili ng partido ay buo na ang loob na tumakbo,” aniya.
Diin nito maliwanag naman ang intensyon ng batas na maging maayos ang eleksyon at hindi dapat ito naabuso.
“Kapag nag-file ka, ‘yun na, hindi na dapat palitan. Papalitan ka lang kung ikaw ay namatay o kung ikaw ay na-disqualify,” dagdag pa ni Gatchalian.